Wednesday, May 2, 2007

Tuliro

tunay ngang nakakatuliro ang umibig. madalas, kinalalampasan ang taong umiibig ng tunay na dapat katunghayan ng kahulugan ng pag-ibig. nariyan ang mangilanngilan na pagkakataong mayroong pag-aalinlangan, "mukhang walang saysay ang pag-ibig na sa aki'y bumubulag." madalas tayong katigan ng ganoong takot, na parang walang sumasapat, nawawagasan ng saysay ang ninanais nating turingang pagmamahal.

minsan, natatakot tayong ipaglaban ang gayong pagmamahal dahil sa nauugnay na pamantayan sa lipunan. nanatiling lihim ang tinuturingang pag-ibig na siya ding hungkagan ng damahin. bakit ang tao, nalulugmok sa takot at pagkabahala? parang walang sumasapat. minsan naman, mas malaki ang ambag ng tunay na umiibig sa iniibig, parang iisa lamang ang may akto at pagpaparamdam ng pagmamahal. palagi na lamang nagbibigay. sa katunayan, hindi naghahanap ng kapalit ang tunay na nagmamahal. ngunit, ayon kay sartre, at ito din ay aking pinaniniwalaan, "kapag ang tao ay nagmahal, nais niya ding siya ay mahalin pabalik." ito lamang, napakapayak ng nais kong patukuyan, h'wag kang matakot magmahal ng lubusan, dahil sa totoo lamang, iyon ang tunay na nakapagpapalaya. iyon ang nagbibigay-kahulugan...

h'wag mong hintayin ang pagkakataon na baka magsawa ang nagmamahal, na patuloy nang mawalan ng gana ang umiibig... naghihintay lamang siya ng bulong ng iyong pag-ibig... ito ang pagsubok ko sa iyo: suungin mo ang pag-ibig, managinip ka kasama ang iyong iniirog sa ilalim ng libo-libong mga tala... madidiskubre mo din ang hinuha kung bakit madaming nag-iibigan ang masaya kapag hindi sila bumibigay sa takot, kapag iginigitna nila ang kanilang payak na sarili sa dalawang naguumpugang mga bato, ng pamantayan at ng takot... umibig ka, at hayaan mong iyon ang magpakahulugan sa gawain...

No comments: