i. 
ayoko na’ng mag
                tiwala...
mahi
                rap,
nakapanlu
lumo’t
nakakainis.
kalokohan
                ang magtiwala sa
                wala.
puro upos na pangako’t
dilim ng
kawa
lan
ang sa
                salu
bong                       sa nagniniig na mga katawan…
isang latak ng pagka-Pili
pino
ang matuto…
                puro ligaya’t pagsasaya,
puro lawak
                ng kamangmangan.
nasaan na ang mga
                bayani?
tila duwag ang mga nalabi.
nakihahalik sa hubad 
                na                                            katotohanang
puro uod ang 
la
man.
ii.
nasaan na ang
mga mata ng mga musmos
na tila naghahanap ng
kasagutan?
sa buhay marahil na inilaan
sa 
pag-angkat ng kamalayan.
nakikinig ang bingi, ‘sinong masisi?’
nagtatanong ang pipi, ‘ikaw ba’y kasapi?’
sino nga ba
silang mga nagtatanong?
mga taong tumatakbo paalis sa
katotohanan ng kalupitan
ng tadhana?
o mga taong
humahalik sa
lupang, ang mga sugat 
ay sariwa?
iii.
ano nga ba ang nararamdaman ng pusong sugatan? isang paghahanap sa tunay na pagmamahalang hindi natagpuan.
lupigin mo ang kawalan ng iyong pusong tinapakan. hamakin mo ang pag-ibig na nag-ugat sa iyong pusong nasilipan ng kahinaan. 
ako ang iyong lakas.
ako ang iyong kasagutan. 
sisirin mo man ang putikang katotohanan, alam mong ikaw lamang ang may hawak ng kasagutan.
hawiin mo ang tabing ng iyong mukha na tunay ngang nalulunod sa luha.
hagkan mo ang iyong sarili’t, manahan sa pagtangis. sa dilim man ng gabi, huwaran din ang langit.
huhupa din ang pasakit ng pusong umuunawa.
pilitin mo mang kalimutan ang sakit, pilitin mo mang lupigin ang dusa, mananatili ang mga ito sa isip na patuloy na umaalala.
iv.
nariyan nga ba ang Diyos na gumagabay?
nariyan nga ba sa kanto at
nakatambay?
paano nga ba makikilala’t
matutumbasan,
ang sakit na tumunghay at
inantabayanan?
kumilos ka ngayon at hanapin
ang Diyos na may katahimikan. marahil, sa kanya din matatagpuan
ang ‘yong hinintay 
na kasagutan.
nariyan Siya
naririnig ko,
may paring nagmimisa.
siya kaya’y nakahalik na,
sa Siyang Maylikha?
umuusbong ang liwanag,
nakapiit ang gabi,
hanapin mo ang siyang
maalam
sa unos ng nakaraan.
ayaw mo na nga bang magtiwala,
sa lupon ng tagamasid?
ngayon, sinong sasalo
sa upos sa iyong ulo?
nariyan ang paring patuloy
na nag-aangat ng ostiyang banal, na may dugo sa kanyang mga kamay.
habang ikaw ay nagtatanong: ano ba ang panaginip ng Diyos?
siyang kasagutan…
‘hangad ko ang masagip ka
sa pagkalugmok mo sa kawalan.’
 
No comments:
Post a Comment